@bernardokath @imdanielpadilla congrats bebes ♥
Daniel Padilla
Bakit ba sa title yan na ang nilagay ko?
Daniel Padilla….
Yan kasi yung name na pag narinig o nabasa ng karamihan titili o mapapasigaw ka na agad. Yan yung title kasi ang simpleng pangalang Daniel Padilla ang makakapagdescibe na kung ano ang gusto kong sabihin dito.
Sabi nga mga haters nya,
“Daniel Padilla? Ano bang meron yan? Puro gwapo lang naman yan.”
“Tss.. Paconcert-concert at pa-albumalbum pa, wala namang boses yan.”
“Pupusta ako, babaero yan.”
Yan ang mga batikos na madalas ng nakadikit sa pangalang Daniel Padilla. Pero di alam ng nakararami na, yang taong yan, marami ng pinagdaanan. Bakit ko naman masasabi yan? Close ba kami? Hindi. Pero masasabi kong nasubaybayan ko kung paano siya nagpursigi na maging isang bituin ngayon.
Started as someone na bitbit lang ang apelyidong Padilla, bukod dun, wala na. Nagsimulang umarte. Aaminin kong sa Growing Up di pa sya ganon kahasa sa larangan. Marahil nadadala siya ng kalove-team nyang si Kathryn Bernardo. Pero sa unang tingin palang, andun na ang ‘angas’ at ‘charm’ kung susumahin eh yung tinatawag na star quality.
Yun lang ang meron siya, pero kagulat-gulat na nagkaroon kaagda sya ng maraming fans. Pero bago yun, dumating yung mga issue sa kanya. Issue tungkol sa ‘ex’ nya na marahil kilala na ng mga KathNiel fans. Dumating din sa puntong napagbintangan siyang manggagamit. Ginagamit lang daw si Kathryn para sumikat. Nasabi ding maloko at hindi nagseseryoso. Naging dahilan ang mga issueng ito para hindi siya magsutuhan ng karamihan at mostly ay yung mga solid fans pa ni Kathryn ang may ayaw sa kanya (KBB). Wag ng magmalinis, may mga patunay dyan. Hindi man lahat pero alam nating marami-rami din. Halos ikasuklam na ang pangalang Daniel Padilla. Takot kasi, bakit daw? Masamang impluwensya daw kasi kay Kathryn. Nasaan ang masamang impluwensya sa lalakeng nakapundar na ng bahay at kotse?Pero sa kabila nito, nadagdagan pa lalo ang kanyang trabaho. Naging leading man ni Kathryn sa Princess and I, na alam naman nating lahat na ipinaglaban pa yan sa kinauukulan, mapaburan lang. Oo, di lang si Daniel ang nagpupursigi makapunta lang diyan, pati mga fans niya. Araw-araw na pinapatrend mapakinggan lang. Hindi mahirap ang laban, pero kinakaya dahil may ipaglalaban. Pagkatapos niyan ay dumating ang mga movies. Nagsimula lang sa mga guestings hanggang sa umabot na magkaroon sila ng sariling movie, ang Must be..Love. Dinumog ang mga sinehan, napuno ang mga upuan, pumako sa takilya. Di mapagkakaila, sikat na nga talaga sila ng kalove-team niya.
Daniel Padilla, punong puno ng talento. Ang bassist ng kanyang band na Parking 5. Sa kilos pa lang, mahihinuha mo na, ipinanganak siyang may kakambal na musika. Sabi niya nga, iyon ang first love niya. Nagkaroon din siya ng alabum, nakakadalawa na nga. Yan ba ang lalakeng di marunong kumanta? Di man magaling pero ikukumpara mo sa iba, may say naman ang boses niya. Kaya nga siya nagka-concert eh. Concert na kayang punuin ang Araneta.
Hindi ko nga lam kung bakit pa ako gumawa nito, alam niyo naman kung sino ang isang Daniel Padilla. Siguro, masyado lang akong naooverwhelm sa mga tinatamasa niya ngayon. Labis pa siya kung makapagpasalamat. Kita pa yun noong concert niya, sa daming beses niyang magpasalamat. Bakit ko nga naman hindi mamahalin ang batang yan? Marunong tumanaw ng utang na loob, mapagkumbaba pa. sinabi niya noong concert na wala siya kung wala si Kathryn, na si Kathryn ang nagdala kung nasaan man siya ngayon. Marahil totoo, pero wala din siya kung wala ang pagsisikap niya.
Daniel Padilla….
an 18 year old boy who can melt every girls heart. A teenage heartthrob who can make every girl cry just by seeing him, can make every girls feel giddy just by hearing him sing. A boy who can make his mama proud, who can make his loveteam phenomenal, who can make his fans shout.A lover, son, singer, actor, musician and an idol.
Gaano pa kaya katayog ang mararating niya. Susubaybayn ko pa yan, dahil sa bawat araw na dumadating alam ko, mas minamahl siya ng nakararami. Kahit ano man sabihin ng haters niya, na walang ginawa kung hindi manghusga kahit hindi nila kilala. Sabagay, ano ba naman sila kumpara sa pangalan niya. Ni hindi nga nilang magawang makapuno ng Araneta. Dahil hindi naman sila si Daniel Padilla….
-xxftt
Happy 18th Birthday @imdanielpadilla ♥
#KathNielDeservesThe8PMPrimetimeSpot
PAKIBASA ITO KATHNIELS
-> http://www.twitlonger.com/show/n_1rjtskv
twitition -> http://twitition.com/758j5
PEX -> http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=617722
abs forum -> http://forums.abs-cbn.com/upcoming-teleseryes/kathryn-bernardo-daniel-padilla-upcoming-teleserye-(ot)/120/
our hashtag for today ♥#KathNielDeservesThe8PMPrimetimeSpot
